Mga Gawaing Pansanay sa Paglinang ng Tatas sa Gramatika
DOI:
https://doi.org/10.5281/zenodo.12588233Keywords:
Edukasyong pangwika, Gramatika, Inobasyon sa kurikulom, pagsasanayAbstract
Ang papel na ito ay naglalayong matugunan ang mga suliranin ng mga mag-aaral sa paggamit ng wasto at angkop na mga salita at gramatika sa pagsulat at pagsasalita. Natuklasan na maraming mag-aaral ang may mababang iskor sa mga araling pangwika, na nagpapakita ng kanilang kahinaan sa gramatika. Bilang tugon, binuo ang mga pansanay na gawain sa gramatika na naglalayong malinang ang kasanayan ng mga mag-aaral sa larangang ito. Ang inobasyon ay nakatuon sa paglikha ng mga materyal at aktibidad na makatutulong sa mga mag-aaral upang maging mahusay sa pakikipagtalastasan. Ayon kay Lee (2015) at Macasmag (2011), ang kaalaman sa gramatika ay mahalaga sa mabisang pagpapahayag. Ang proyekto ay dumaan sa mga yugto ng paghahanda, pagsusulat, balidasyon, at rebisyon upang matiyak ang kalidad ng mga gawain. Inaasahang ang mga gawaing ito ay makatutulong sa pag-unlad ng kasanayan ng mga mag-aaral sa pagsulat at pagsasalita, at magbibigay ng pundasyon para sa kanilang tagumpay sa komunikasyon.